natutulog ba ang diyos

gary valenciano


Bakit kaya
Bakit ka ba naghihintay
Na himukin pa, pilitin pa ng tadhana
Alam mo na kung bakit nagkakaganyan
Lumulutang, nasasayang ang buhay mo
At ang ibinubulong ng iyong puso
"natutulog pa ang diyos," natutulog ba?

Ba't ikaw ay kaagad sumusuko
Konting hirap at munting pagsubok lamang
Bakit ganyan
Nasaan ang iyong tapang
Naduduwag, nawawalan ng pag-asa
At iniisip na natutulog pa
"natutulog pa ang diyos," natutulog ba?

Chorus:
Sikapin mo, pilitin mo
Tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw ang huhubog
Sa iyong bukas
Huwag mo sanang akalain
Natutulog ba ang diyos
Ang buhay mo ay mayro'ng halaga sa kanya

Bakit nga ba
Na ikaw ay maghintay
Na himukin at pilitin ka ng tadhana
Gawin mo na kung ano ang nararapat
Magsikap ka at magtiwala
Sa maykapal
Nakahanda ang diyos
Umalalay sa iyo
Hinihintay ka lang kaibigan

Repeat chorus

lyric contributed by:
[email protected]

관련 가사

가수 노래제목  
gary valenciano i will be here  
gary valenciano how did you know  
Gary Valenciano You Are The Love Of My Life  
Piolo Pascual Ikaw Lamang  
Piolo Pascual Ikaw Ang Pangarap  
neocolours kasalanan ko ba  
Ivy Ba Ba Ba  
asin masdan mo ang kapaligiran  
noel cabangon kanlungan  
LPG 앵그리 (Ang  




가사 수정 / 삭제

댓글목록

등록된 댓글이 없습니다.